Pagtanggal ng ingay
Sinusuportahan ng iyong device ang mga headset na nagtatanggal ng ingay. Sa
pamamagitan ng paggamit ng headset na nagtatanggal ng ingay sa iyong device,
magkakaroon ka ng mas malinaw na kalidad ng audio kapag nakikinig, halimbawa, sa
musika sa maingay na lugar, gaya ng kapag nakasakay sa bus, tren o eroplano.
Magagamit mo rin ang feature na ito para makapag-aral, makapagtrabaho o
makapagbasa ka nang walang ingay.
Para matiyak ang pinakamahusay na pagganap, inirerekomenda ang mga headset na
nagtatanggal ng ingay mula sa Sony.
64
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang gumamit ng headset na pantanggal ng ingay
1
Ikonekta ang headset na pantanggal ng ingay sa iyong device.
2
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang >
Mga setting > Tunog & notification
>
Mga setting ng accessory > Pagkansela ng ingay, pagkatapos ay i-drag ang
slider sa tabi ng
Pagkansela ng ingay pakanan.
3
Kung gusto mong paganahin ang
Pagkansela ng ingay sa panahon lang ng pag-
playback ng musika o video o kapag aktibo ang screen, i-drag pakanan ang slider
sa tabi ng
Mode na Power save.
4
Kung gusto mong paganahin ang
Pagkansela ng ingay hangga't nakakonekta
ang headset, i-drag pakaliwa ang slider sa tabi ng
Mode na Power save.
Maaaring walang kasamang headset na pantanggal ng ingay ang iyong device sa pagbili mo
nito.
Upang i-adjust ang mga setting sa ingay sa paligid
1
Tiyaking may nakakonektang headset na nagtatanggal ng ingay sa iyong device.
2
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
3
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Tunog & notification > Mga setting ng
accessory >Pagkansela ng ingay > Environment ng ingay.
4
Piliin ang nauugnay na uri ng ingay sa paligid, pagkatapos ay tapikin ang
OK.